Ano Ang Kaya Mong Gawin Sa Ngalan Ng Pag Ibig

Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag ibig

Answer:

Mga Kayang Gawin sa Ngalan ng Pag-ibig

Ang pag-ibig ay isang malawak na salita. Ito ay tumutukoy sa matinding damdamin ng pagmamahal natin para sa iba. Sa tindi ng pagmamahal na nakapaloob sa pag-ibig ay may mga bagay na nagagawa ang isang tao.

Ano ano nga ba ang kayang gawin ng isang tao sa ngalan ng pag-ibig? Narito ang ilan sa mga posibleng gawin para sa pag-ibig:

Magsakripisyo

Unang una sa mga posibleng gawin ng isang tao ay ang magsakripisyo. Sa pagsasakripisyo pumapasok ang pagtitiyaga at pagtitis ng isang taong umiibig. Kahit na nahihirapan na ang isang tao ay nagagawa niyang magtiis at ibigay lahat ng kaya niyang ibigay para sa taong mahal niya. Khit halos wala ng matira sa kanya.

Maging Loyal at Tapat

Sa ngalan ng pag-ibig ay nagkakaroon ng matinding paninindigan ang isang tao na maging loyal at tapat sa kanilang minamahal. Hindi sila gumagawa ng bagay na alam nilang magdudulot ng sakit sa taong mahal nila. Hindi nila nagagawang magsinungaling.

Magbuwis ng Sariling Buhay

Ang pag-aalay ng buhay ay nagagawa din ng tao sa ngalan ng pag-ibig. Handa silang mamatay, para maipaglaban o maipagtanggol ang taong iniibig nila. Lahat ng pangangalaga na kailangan nilang gawin ay gagawin nila, kahit ang kapalit ay sarili nilang buhay.

Para makapagbasa ng tula tungkol sa pag-ibig, basahin sa link:

brainly.ph/question/1888870

Kahalagahan ng pag-ibig:

brainly.ph/question/1776407

#LetsStudy


Comments

Popular posts from this blog